Simula May 15, 2023 ipapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong taong bisa o validity ng rehistro ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.
Batay sa kasalukuyang panuntunan na alinsunod sa Republic Act 4136 at Republic Act 11032, ang mga motorsiklong may makina o engine displacement na 201cc pataas lamang ang mayroong tatlong taong bisa ng initial registration sa Land Transportation Office (LTO).
Ngunit kasunod ng ginawang pag-aaral ng ahensya, nagdesisyon si LTO Chief Tugade na gawin na ring tatlong taon ang bisa ng rehistro kahit sa mga motorsiklong may makina na 200cc pababa.
“It is hereby directed that initial registration of brand new motorcycles with engine displacement of 200cc and below shall be valid for three (3) years,” saad ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395.
Bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng LTO na layong maging mabilis ang mga proseso at mapagaan ang mga transaksyon ng publiko sa ahensya.
“Hindi natin nakikita na magkakaroon ng problema sa roadworthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan,” pahayag ni LTO Chief Jayart Tugade.
“Naniniwala kami sa LTO na ang hakbang na ito ay makakatulong sa maraming drayber na nagpapa-rehistro ng bagong motorsiklo para magamit sa kanilang hanapbuhay o trabaho,” dagdag pa ng opisyal.
Kung pagbabatayan ang mga nakalipas na datos ng LTO, tinatayang dalawang milyon na bagong magpaparehistro ng motorsiklo na 200cc pababa ang makikinabang sa bagong polisiya na ito ngayong taon.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.