“Extremely high temperatures” dahilan kung bakit posibleng mawalan ng face-to-face classes ayon sa bagong memorandum na inilabas ng Department of Education.
Pinaalalahanan ng DepEd ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa na gawin na lamang modular distance learning (MDL) ang modal ng pag-aaral ng mga estudyante bunsod ng extreme heat ngayong buwan ng tag-init.
Nakasaad din sa DepEd Order 037, Series of 2022, “Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/Power Interruptions and Other Calamities,” sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 2023-077 na ang kanselasyon o pagsuspindi sa klase ay para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang DO 037 ng ahensya ay para sa implementasyon ng MDL kung sakaling magkaroon ng kanselasyon o suspensyon sa face-to-face class, ito ay para na rin matiyak ang tuloy tuloy na pag-aaral at pagkatuto ng mga estudyante.
Sa bagong memorandum nakalagay ang “extremely high temperatures” bilang sapat na dahilan para magkaroon ng kanselasyon o suspensyon ang face-to-face na klase.
Dagdag pa riyan ang anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) last March 21, 2023 bilang pagsisimula ng tag-init.
Naniniwala rin ang DepEd sa posibleng epekto ng extreme heat lalo na sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Inatasan din ng ahensya ang schools division offices sa pangunguna ng schools division superintendents na subaybayan ang implementasyon ng MDL kapag nagkaroon ng suspensyon o kanselasyon ng klase upang makapagsumite ng reports sa mga nakatalagang regional directors.
Inilabas ang memorandum matapos magkaroon ng mga reports tungkol sa mga estudyanteng nakaranas ng hilo o pagko-collapse sa gitna ng klase bunsod ng matinding init.
Ayon pa sa pahayag ni DepEd spokesman Michael Poa noong Abril 23, ang mga school principals ay pinaalalahanan na magsuspindi ng klase at gumamit na lamang ng ibang modal upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
Nagbabala din ang PAGASA sa matinding pag-init sa mga susunod na araw lalo na sa buwan ng Mayo.
Naglabas din ng extreme heat danger warning noong Sabado, Abril 22, sa Butuan City sa Agusan del Norte at Legazpi City sa Albay matapos pumalo sa 48 degrees at 47 degrees Celsius ang heat index.
Naitala naman ang pinakamataas na heat index sa bansa na mayroong 55 degrees Celsius noong Mayo 1, noong isang taon sa Dagupan City, Pangasinan.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.