Namatay ang isang sundalo matapos malunod habang isinasagawa ang misyon laban sa New People’s Army noong Huwebes, Abril 20, sa Gattaran, Cagayan.
Kinilala ang sundalo na si Private Raymund Mones, 23, ng Barangay Unzad, Villasis, Pangasinan, Miyembro ng Special Forces Unit of the Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon sa tagapagsalita ng 5th Infantry Division na si Major Rigor Pamittan.
Ayon kay Pamittan, tinatawid ng biktima ang ilog kasama ang buong unit ng matangay ito ng malakas na agos na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.
Ang buong unit, kasama ang biktima ay sa ilalim ng operational control ng Army 5th ID, na naatasang tumulong para magsagawa ng operasyon para sa mga natitirang NPA sa Komiteng Rehiyon ng Cagayan Valley.
Ang bangkay naman ni Mones ay dinala na sa kanyang tahanan sa Villasis.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.