Pinanganak na bingi ang 17-anyos na babae sa Quezon City, pero hindi na tahimik ang kanyang mundo dahil umano sa ginawa na pagsasamantala ng kanyang dalawang kapitbahay.
Ang naturang kapitbahay na suspek ay 60-taong-gulang at naaresto nitong Lunes matapos itong isyuhan ng warrant of arrest para sa kasong sexual abuse.
Ayon naman sa pulisya ang matanda ay kasama at ikaapat sa listahan ng most wanted person sa QCPD Station 14.
Agosto noong nakaraang taon inireklamo ng magulang ng biktima ang lalaki ng mapansin nilang kakaiba ang kinikilos ng kanilang anak.
Hinala ng ama, buntis ang dalagita at ito ay nakumpirma matapos mag positibo sa pregnancy test ang kanyang anak. Matapos nito ay umamin ang dalagita at itinuro ang kanyang dalawang kapitbahay.
Samantala, noong Enero ay una ng naaresto ang isa pang suspek na 26-taong-gulang na kapitbahay.
Itinanggi ng 60-anyos na suspek ang paratang sa kanya ngunit inamin naman ng nakababatang suspek ang alegasyon.
Sa ngayon hawak na ng Culiat Police Precinct ang mga suspek.
Recent News
Mandaluyong City – A senior citizen fruit vendor has defied the odds and became the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.