Isang solo parent mula Camiling, Tarlac ang dumulog sa public service program na #ipaBITAGmo para ireklamo ang DSWD Tarlac.
Siyam na taong nagtrabaho sa Taiwan bilang isang factory worker si Petchie Alvarez. Sa kasamaang palad, kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas matapos magkaroon ng nasopharyngeal cancer o cancer sa ilong.
Agad-agad naman siyang humingi ng financial assistance sa DSWD Tarlac at sinabi umano sa kanya ng nakausap niyang social worker na 10,000 ang matatanggap niyang medical assistance. Nang maipasa ang requirements, pinabalik siya nito noong October 2022 para mag payout ngunit pumanaw na pala ito.
Nang muli siyang lumapit sa DSWD Tarlac, doon niya nakausap si Jonathan Urbano, social welfare officer ng DSWD region 3. Sinabi umano nito na tanging 5,000 pesos lamang ang kanyang matatanggap. At nang hindi raw siya pumayag, nagalit ito at pinunit ang kanyang dokumento.
“Pinunit niya po ‘yung papel ko. Tapos sir, kinukuha ko ‘yung papel ko. Sabi ko, ‘Sir, akin na lang po ‘yung documents ko.’ Hindi pa niya ibibigay hangga’t hindi po ako umaalis sa DSWD Tarlac.” pahayag ni Petchie.
Sa panayam ng BITAG kay Reiner Grospe, regional information officer ng DSWD region 3, sinabi niyang ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ay regular na programa ng DSWD kung saan pwede humingi ng financial assistance ang kanilang clients.
“Kung iniisip po ni ma’am na binawasan or dapat talaga 10,000 ‘yung sa kanya, ina-assure ko po na kung ano po ‘yung nakasulat sa payroll, ‘yun po ‘yung naka assign na assistance po para sa kanya.” ani ni Reiner Grospe.
Dagdag pa niya, “‘yung kalituhan na cash financial assistance, kaya po siguro 5,000 lang is wala po siyang na-present na mga medical documents. Pero kapag napatunayan po natin sa social worker na mataas po ‘yung demand sa finances po ay mas mama-maximize po natin ‘yung tulong ng government”.
Pahayag ng host na si Mr. Ben Tulfo kay Petchie, “hindi perpekto ang ating gobyerno. Hindi perpekto ang mga departamento. Hindi rin perpekto ang mga tao. Pero at the end of the day, kinakailangan ng pag-unawa rito”.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.