NAGTUTURUAN ngayon ng sisi ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) sa pagkaubos ng plastic card para sa driver’s license.
Yung isa yakyak ng yakyak pero walang pag-ako ng pagkakamali. ‘Yung isa naman ibinubunton ang sisi sa sistema.
Ang gusto nilang palabasin, pareho silang walang kasalanan at pagkukulang. Na kung tutuusin ang LTO ay nasa baba ng DOTr. Naloko na!
May nagpabaya dito. Nagteka-teka at hindi ginampanan ang trabaho ng tama.
‘Yun naman pala. Nobyembre pa lang ng nakaraang taon pagkaupong pagkaupo ni LTO Chief Jay Art Tugade nadiskubre niya na na nasa critical level na ang plastic card.
Pambihira ka naman, ‘tsip! Noon mo pa pala alam bakit hindi mo pa agad sinolusyunan? Dapat noon palang nag-ingay ka na. Pinutakte mo na ang DOTr bago pa ito maging isang ganap na problema.
Ang problema, kung kailan naubos na ang plastic card para sa mga magre-renew ng lisensya, saka palang kayo nagtuturuan. Kaniya kaniya kayong boses at diskarte.
Kesyo ang DOTr daw nagbigay ng direktiba noong Enero at sinabing DOTr Central Office lang ang dapat pumasok sa P50 milyong halaga pataas na mga transaksyon. Ang epekto, ang lisensya papel muna. Tiis-tiis muna ang mga motorista. Tsk… tsk!
Ito namang DOTr ngayon kuntodo palusot. Kaya daw tumagal ang pagbili nila ng mga plastic card kasi may procurement rule silang isinasaalang-alang. Naturalmente may procurement rule para maiwasan ang korupsyon at katiwalian. Hindi ba dapat noon nyo pa ginawa yan?
Lagi kong sinasabi sa mga programa ko, sa kalidad ng komunikasyon makikita ang kalidad ng isang organisasyon. O ‘di naman kaya ang kalidad ng organisasyon ay makikita sa kalidad ng kanilang komunikasyon.
Ewan natin kung nag-uusap itong si DOTr Sec. Jaime Bautista at LTO Chief Jay Art Tugade. Ang problema sa dalawa, magagaling lang magbigkas ng problema pero ang agarang solusyon ‘ala. Hindi proactive. Walang organization planning.
Organizational planning at proactive ibig sabihin, bilang mga lider bago pa man mangyari ang problema, kikilos na agad. Hindi ‘yung kung andyan na ang problema saka palang iikot ang kanilang mga tumbong. Ganyan ang nangyayari ngayon sa DOTr at LTO. Susmaryosep! Nakakahiya!
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.