Mahigit dalawang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang 20-anyos na lalaki sa Valenzuela nitong Martes (Abril 25).
Kinilala ng Valenzuela City Police ang suspek na si Erold Templado ng Barangay 171,Caloocan City. Si Templado ay itinuturing na isang high-value individual dahil sa iligal na droga.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ikinasa ng VCPS Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang buy-bust operation kay Templado sa Cabatuhan Street, Barangay Gen T. De leon, Valenzuela City bandang alas siyete ng umaga.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang apat na sachet ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000, blue belt bag, cellphone, motorsiklo at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek kung saan mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.