Dahil walang maipakitang travel permit para sa mga sakay na furnitures, limang araw nakulong ang isang truck driver at kasama nitong pahinante matapos silang arestuhin ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Ormoc City noong Marso 8.
Nahaharap ngayon sa kasong Presidential Decree (PD) 705 o “Forestry Reform Code of the Philippines” ang driver na si Leonardo Boholst at pahinanteng si Christian Senillo matapos silang kasuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa pagbiyahe ng wooden furnitures nang walang dalang mga dokumento.
Kwento ni Boholst sa #ipaBitagmo, napag utusan lamang daw sila ng kanilang kumpanya na kunin ang inorder na mga upuan at lamesa ng kanilang amo nang harangin sila ng mga tauhan ng Ormoc City Police sa isang checkpoint sa Barangay Milagro.
“Inutusan po ako ng secretary ng amo ko na kunin ang mga furniture sa Barangay Gaas, NHA Housing. Wala po kaming maipakitang permit sa mga pulis [nang pinara kami] kaya tinawagan namin ang amo namin para siya ang magsabi na sa kanya yung mga furniture,” wika ng nagrereklamo.
Subalit sa kabila ng pagpapaliwanag ng kanilang amo, kinasuhan at ikinulong pa rin daw ng mga awtoridad sina Boholst at Senillo. Nakalaya lamang ang mga ito matapos magpiyansa ang kanilang amo ng halagang P40,000 kada isa.
Samantala, kinuwestiyon naman ni Ben Tulfo ang pamamaraan ng pulisya sa pag aresto sa dalawang pobre kung saan nakausap nito sa linya ng telepono ang isa sa mga arresting officer na si PCpl. Rene Pavo ng Ormoc City Police.
“Ang furniture ba na gawa na, hinahanapan niyo pa ng permit? Ang pagkaintindi ko dapat ‘yun ay kahoy o troso na itina-transport,” tanong ni Tulfo kay Pavo.
“Bakit inaresto itong mga ito, hindi naman ito mga troso… ito ay mga finished product. Hindi ito ‘yung mga tipikal na kahoy palang,” dagdag nito.
Ito rin ang naging punto ni Tulfo nang makausap niya ang officer-in-charge ng Ormoc City Police na si PCpt. Rodolfo Mercolita. Ayon kay Tulfo, dapat sinuri muna ng mabuti ng pulisya ang mga furnitures bago ginawa ang pag aresto.
“Diba dapat tawagan muna kung saan nabili ang mga furniture? Bakit natin ina-assume na ilegal yung mga furniture na ‘yun. Diba dapat ang dapat gawin ng pulis tawagan yung furniture shop at hanapan sila ng permit dun sa mga ginagamit nilang kahoy?”tanong ni Tulfo kay Mercolita.
“Mukhang may problema ata dito sir hindi niyo ginawa ang due diligence.” Sa kasalukuyan, nakikipagugnayan naman ang BITAG sa DENR upang kunin ang kanilang panig hingil sa reklamong ito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.