Tatlong tao ang napatay ng isang fishpond caretaker matapos itong paulit-ulit na apihin ng kanyang mga katrabaho sa isang palaisdaan sa Calamba, Laguna.
April 6,2018, pinagbabaril ng 30-anyos at suspek na si Salvador Abraham Jr. ang mga kasamahan nito sa trabaho na sina Rolly Bursola, 26-anyos at Jolan Cerenio, 24, dahil umano sa masamang biro.
“Isang buwan na daw po siyang binubully, nilalagyan po ng tubig mula sa makina ng bangka ‘yung kanyang iniinom. Kapag siya naman daw ay tulog, binubuhusan siya ng malamig na tubig. Napuno siya sa pangbubully nung dalawa,” wika ni PSI. Jan Alberto Rongavilla sa Bitag Crimedesk.
Samantala, nadamay naman sa krimen ang isa pang biktima na si Ian Jethro Masicat at nobya nito matapos agawin ng suspek ang sasakyan ng mga ito upang gamitin bilang get-away vehicle.
Binaril at napatay ni Abraham si Masikat habang minolestiya at hinostage naman nito ang nobya ng biktima na kanyang isinama sa kanyang pagtakas.
Naaresto naman ng mga awtoridad si Abraham sa Alaminos, Laguna matapos magkasa ng malawakang dragnet operation ang pulisya.
Panoorin ang buong istorya:
Recent News
Mandaluyong City – A senior citizen fruit vendor has defied the odds and became the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.