Nakatapos man ng kursong Mechanical Engineer si Michael Castro noong 2021, naramdaman pa din niya ang tama ng pandemiya na nagsimula noong March 2020.
Ngunit imbes na sumuko, mas pinili ni Michael na harapin ang pagsubok ng kaniyang buhay.
Sinimulan ni Michael ang pag-aalaga ng 20 pirasong manok sa kanilang lugar sa Guagua, Pampanga sa asam na magkaroon ng sariling negosyo.
Napaabot man ni Michael sa 100 ang dami ng kaniyang mga manok, marami sa mga ito ang mga namatay lamang.
At dahil pandemic pa at limitado ang galaw ng mga tao, ibinuhos ni Michael ang kaniyang atensyon sa kung paano magkaroon ng de-kalidad na manok at mga itlog.
Nagawa niya na lumapit at magtanong sa mga bihasa sa chicken farming. Dito ay nadiskubre niya ang iba’t ibang uri o lahi ng manok na pwede niyang alagaan at paramihin.
Sinubukan niya ang pag aalaga ng 45-day na manok sa mas natural na kapaligiran kung saan nakagagala at hindi maaaring magdulot ng stress sa mga manok.
Nalaman din ni Castro na ang mga heritage breeds na manok ay mas madaling paramihin sa natural na kapaligiran at mas madaling alagaan dahil mas magiging malusog at masigla ang mga manok.
“I remember struggling in keeping my mortality low. It was really a challenge for me before but through experience, we learned. I started by improving their facility and providing them proper food and nutrition,” ayon kay Michael.
Sa kaaniyang sipag, nabuo ang “Mr. Chix Farm” para makapagbigay ng mas mataas na kalidad ng manok at mapanatili ito sa mga farmers, hobbyists at backyard raisers. Makikita sa farm ang mga manok, pabo at itik na inaalagaan simula sa pagpapa-itlog, pagpapalaki ng mga sisiw hanggang sa pwede na itong maibenta.
Nilagyan din niya ng biosecrurity measures para masigurado ang kaligtasan ng kaniyang mga alagain. Mayroon ding nakatalaga na lugar kung saan pwedeng kunin ng mga kliyente ang kanilang mga order.
Gamit naman ang social media, naipapakita ni Michael ang kanyang mga alagang manok, pabo at itik pati na rin ang kanyang farm. Ang kanyang plano at layunin ang nakatulong sa kanya upang palaguin ang kanyang negosyo.
Noong una ay mga itlog lamang ang kanyang naibebenta kaya bumili siya ng kauna-unahang niyang incubator at itayo ang isa pang negosyo – ang “Itlog Mo, Pisain Ko”.
Rekomendasyon ni Castro ang chicken farming para sa mga gustong magsimula ng negosyo lalo na sa mga millennials na naghahanap ng pagkakakitaan. Paniniwala rin ni Castro na nakakabawas sa stress ang chicken farming. Ayon sa kanya “Masaya ka na, may kita ka pa!” You won’t be needing a huge capital to start here, what you need is patience and perseverance while starting. Sooner or later you will see the harvest.”
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.