Nagtamo ng tatlong saksak ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kapatid ng kinakasama niya noong Miyerkules sa Quezon City.
Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Station 14, naganap ang insidente sa loob ng bahay na kapwa tinutuluyan ng suspek at biktima sa Calamansi Street, Brgy. Pasong Tamo sa nasabing lungsod. Nagtamo ng dalawang saksak sa balikat at isang tama sa leeg ang biktima.
Ayon sa imbestigasyon ni Police Captain Anthony Dacquel, nasa second floor ng bahay ang suspek ng tawagin ito ng kanyang kuya dahil hihiga sa itaas ang kinakasama nito. Agad namang bumaba ng lalaki. Subalit dahil naalala nya raw ang mga pagpaparinig na ginawa ng biktima sa kaniya, kumuha ito ng kutsilyo, bumalik sa itaas ng bahay saka pinagsasaksak ang babaeng karelasyon ng kaniyang kuya.
Aminado ang suspek na ginawa nya ang pananaksak dahil napuno na raw siya at napikon sa ginagawa ng babae, Itinanggi naman ito ng biktima.
Nakipag-areglo nalang ang suspek at hindi na nagsampa ng kaso ang biktima.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.