“Gusto ko po mapakita sa kanila yung suporta ng isang magulang. Minahal ko sila na parang mga anak ko. Hindi po ako nag-asawa para sa mga bata, para sa kanila lang yung atensyon ko.”
Ito naging ang sagot ni Ricky Borac nang tanungin siya ni Mr. Ben Tulfo kung bakit niya napiling alagaan ang mga anak ng kanyang dating live-in partner na si Amalyn Ontal.
Dumulog sa public service program ng BITAG si Ricky para magpatulong na makusap niya ang kanyang dating live-in partner na si Amalyn.
Taong 2014 nang makilala niya si Amalyn, tinanggap niya daw ito at minahal kahit na may dalawa ng anak sa pagkadalaga.
Nang umuwi sila ng Samar, nagpaalam si Amalyn na babalik ng Maynila upang magtrabaho, pumayag naman si Ricky dahil para ito sa ikakabuti ng kanilang pamilya.
Ngunit simula nang umalis si Amalyn sa Samar ay wala nang nabalitaan si Ricky sa sitwasyon nito.
Hanggang sa December 2020, nabalitaan ni Ricky na sa Saudi Arabia na pala nagtatrabaho si Amalyn.
Gusto lang ni Ricky na makausap si Amalyn upang magkasundo kung paano nito masusuportahan ang pag-aaral ng dalawang anak nito.
“Hindi ko pinabayaan ang mga bata, sa pagkain nila at mga pangangailangan pero ngayong malaki na sila at mga high school na dumadami na ang gastusin” paliwanag ni Ricky sa BITAG.
Samantala, kinumpirma ng Dept. of Migrant Workers (DMW) sa BITAG na isang Overseas Filipino Worker (OFW) na sa ibang bansa si Amalyn bilang isang domestic helper.
“Kakausapin po namin siya (Amalyn) kasi dapat po talaga nagpapadala siya sa mga anak niya” paliwanag ni Atty. Sherilyn Malonzo ng Operations Center ng DMW.
Tutulong ang DMW kay Ricky na makausap si Amalyn at maiparating ang panawagan ni Ricky.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.