Nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Raffy Tulfo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong may autism sa bansa.
Sa paggunita ng National Autism Awareness Month, ipinagtataka ng senador na kahit may mga magulang na wala sa kanilang family history ang autism ay nagkaroon ng mga anak na autistic.
Dahil dito muling hiniling ni Tulfo ang mabilis na pagpasa sa kongreso ng kanyang Senate Bill (SB) 752, o ang “Autism Cooperation, Accountability, Research, Education and Support (CARES) Act of 2022”, na naglalayong tugunan at mapataas ang suporta para sa mga taong may autism.
Unang inihain ng senador ang panukalang ito noong Hulyo, 2022.
“The time is now upang seryosohin ng pamahalaan ang problema sa autism at kumilos na talaga para hanapan ito ng solusyon. Komprehensibong research and development ang kailangan para malaman ang mga susunod na hakbang,” sabi ni Tulfo.
Sa ilalim ng SB No. 752, ang Department of Health (DOH), sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno, ay naatasang magsagawa ng evidence-based research at epidemiological survey para matukoy ang sanhi, gamot, at mabigyan ng karampatang tulong at government subsidies ang pamilya ng mga may autism.
Ang pondong gagamitin para dito ay kasama sa annual general appropriations ng DOH.
Nakapaloob din sa panukalang batas na ang DOH at Department of Education ay magkaroon ng programa para sa early screening and detection para sa mga batang may developmental delays na maiuugnay sa autism upang tiyakin na updated ang central PWD registry.
Nilalayon din ng SB No. 752 na mabigyan ng proteksyon laban sa diskriminasyon ang mga taong may autism, mabigyan sila ng equal opportunities sa pagkakaroon ng trabaho, at magkaroon sila ng komportableng akomodasyon sa pag-access ng lahat ng uri ng transportasyon.
Sa datos ng DOH, lumobo ang bilang ng mga Pilipinong may autism. Mula 500,000 noong 2008, dumoble ang bilang nito sa isang milyon noong 2018.
May mga pag-aaral sa ibang bansa na nagsasabing ang mga nanay na umiinom ng paracetamol habang buntis ay nagkakaroon ng mas mataas na posibilidad na maging autistic ang kanilang ipinagbubuntis.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.