Sa dami ng bansang pwedeng puntahan sa buong mundo, Pilipinas ang napiling bisitahin ng 58-anyos at Amerikanong si Donald Wayne Faulkenberry.
Si Wayne ay nakabase sa North Carolina at nagtratrabaho bilang isang truck driver.
Taong 2015 nang napagdesisyunan daw ni Wayne na magbakasyon panandalian sa Pilipinas bilang isang turista.
“I only checked out everything like Puerto Prinsesa, Palawan. I looked around Metro Manila for 30 days that’s why I stayed in Pasay City,” wika ng banyaga sa BITAG.
Ibinunyag ni Wayne sa BITAG na napamahal siya ng husto sa Pilipinas sa kabila ng maikling panahon ng kanyang pananatili sa bansa. Kaya naman makalipas ang dalawang taon, muling bumalik ng Pilipinas si Wayne kasama ang kanyang ina na si Ruby taong 2017.
Kwento ng banyaga, isinama niya ang kanyang ina sa dahilan na mag isa na lamang ito sa buhay matapos pumanaw ang kanyang ama dahil sa atake sa puso noong 2012.
Ibinenta raw ni Wayne ang kanilang bahay sa North Carolina upang makapagsimula ng bagong buhay sa Pilipinas kasama ang kanyang ina.
“I wanted to come back here so bad and I want my mother to come with me,” ani Wayne.
Nanirahan si Wayne kasama ang kanyang ina sa isang apartment sa Pasay City. Makalipas lamang ang isang taon, lumipat naman sila ng tinutuluyan sa Tandang Sora, Quezon City.
Subalit ang kanilang payapang pamumuhay, natuldukan nang maaksidente ang kanyang ina na si Ruby nang madulas ito sa kanilang bahay noong June 2021.
Hindi raw nadala ni Wayne sa pagamutan ang kanyang ina nung mga panahong yun buhat ng COVID-19 pandemic. Ito raw marahil ang naging sanhi upang lumala ang kalagayan ng kanyang ina.
“I think she broke her bone or something. It scared me.”
Makalipas ang ilang buwan, pumanaw ang kanyang ina sa kanilang tahanan noong Setyembre 2021. Hinimlay ang labi ng kanyang ina sa Bagbag Cemetery sa Novaliches, Quezon City.
Labis ang pagdadalamhati ni Wayne sa pagkamatay ng kanyang ina. Bukod kasi sa sakit na kanyang nararamdaman, namomoblema rin daw siya dahil wala nang natira sa kanyang pera.
April 26, 2023, lumapit si Wayne sa Bitag upang makabalik sa bansang Amerika kasama ang labi ng kanyang mahal na ina.
Kasalukuyang nakikipag ugnayan ang Bitag sa US Embassy upang matulungan si Wayne sa kanyang kalagayan.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.