Kamakailan ay dumulog si Saturnino Daco sa #ipaBITAGmo upang ireklamo ang UNITOP Valenzuela matapos siyang pagdamutan ng separation pay.
Kanyang sumbong, na-stroke siya habang nasa trabaho noong Pebrero at malabo nang makabalik sa pagtatrabaho. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay hindi pa rin siya tinutulungan ng kompanya. Pinagreresign umano siya ng kompanya ngunit hindi naman siya bibigyan ng separation pay.
Nais sana ni Mang Saturnino na makuha ang separation pay upang makauwi sa kanyang probinsya sa Negros.
Ayon kay Pons Encarnacion sa Worker’s Affairs Office, kailangan ni Mang Saturnino na lumapit sa kanilang tanggapan upang mag file ng complaint.
“Regarding naman po sa separation [pay], ang sinasabi lang ng batas na kung sakaling ma-certify ng public doctor na siya ay hindi na gagaling within 6 months, pwede siyang humingi ng separation [pay].” dagdag pa niya.
Pahayag ni Mr. Ben Tulfo, “Saturnino, tutulungan ka namin. Sasamahan ka namin, sasamahan ka namin sa office ni Pons bilang tulong, bilang tugon.”
Nangako naman ang Worker’s Affairs Office na sila ay makikipagtulungan sa BITAG.
At makalipas nga ang limang araw, sa tulong ng #ipaBITAGmo at ng Worker’s Affairs Office ng Valenzuela City, nakuha na ni Mang Saturnino ang kanyang separation pay.
Labis naman ang pasasalamat ni Mang Saturnino sa tulong na kaniyang natanggap.
Panoorin ang buong storya sa official Youtube channel ng BITAG: EMPLEYADONG NASTROKE SA TRABAHO, PINAHIRAPAN PA LALO!
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.