“Para po kaming PBB house eh, nakamonitor lang kami doon e. ‘Pag naliligo po kami minsan, kapag naghihilod, mahihiya ka po kasi nakamonitor ka. ‘Yung privacy po namin, nalalabag nila, ” reklamo ni Junmark Guarin, residente ng Brgy. 842, Zone 92, Pandacan Manila.
Sumbong ni Junmark sa #ipaBITAGmo, sadyang itinutok ng Barangay Chairman na si Kap. Celso Esteban ang CCTV ng Barangay sa kaniyang bahay.
Sinubukan umano ni Junmark na pakiusap si Kap. Esteban na ibahin ang posisyon ng CCTV ng Barangay upang hindi mahagip ang kaniyang paliligo subalit hindi pumayag si Chairman.
Habang ini interview ang nagrereklamo sa programang #ipaBITAGmo, napag-alamang nagsimula ang problema matapos demanda ni Junmark si Kap. Esteban.
Binatukan umano ni Kapitan ang anak ni Junmark na isang menor de edad.
Depensa ni Kap, maraming kabataan ang tumatambay at nag-iinuman magdamag sa lugar ng bahay ni Junmark. Dahil dito, nagrereklamo ang mga kapitbahay ni Junmark na karamihan ay mga senior citizen dahil sa ingay at istorbo.
Dagdag pa ni Kap, mga pulis mismo ang nagrekomendang lagyan ng CCTV ang spesipikong lugar upang mabantayan tuwing may kaguluhan.
“Madaling solusyunan. Bumili ka [Junmark] ng kurtina, tapos gumawa ka ng alambre, at do’n mo isabit ‘yong kurtina,” pabirong payo ni Ben Tulfo.
Nangako rin naman ang inirereklamong si Kap. Esteban na bibilhan niya ng kurtina si Junmark bilang isa sa mga solusyon ng sumbong.
Ang totoong solusyon at paghambalos ng BITAG kay Kap, panoorin
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.