Bumilib ang karamihan at mga netizens sa public service program na #ipaBITAGmo matapos nilang mapanood ang tagisan ng dalawang abogado at ng host na programa na si Mr. Ben Tulfo.
Bukod sa usaping legalidad ay napag-usapan din sa programa ng BITAG ang “moral responsibility” ng isang establisyemento sa kanilang mga customer kapag ito’y na aksidente.
Abril 25, Martes, inere ng #ipaBITAGmo ang reklamo ng isang ama laban sa isang resort sa Porac, Pampanga. Ito’y matapos maaksidente ang 10-taon gulang niyang anak nang tumalon ito sa swimming pool.
Ayon sa pamilya, walang life guard at tamang signages o babala sa paligid ng resort. Hirap din daw silang humingi ng tulong-pinansyal sa resort.
“Gusto naming ireklamo ang RL resort sa naging kapabayaan nila noong April 8, nakita naming na nakahandusay yung bata sa gilid ng wave pool ang sabi ay masakit ang paa niya” panawagan ng ama sa BITAG.
Sa umpisa pa lang ng programa ay klinaro ni Mr. Ben Tulfo na hindi anti-business ang BITAG ngunit obligasyon ng isang establisyemento na tumulong kung sakaling may aksidenteng mangyari.
Ganito rin ang naging pahayag ng resident lawyer ng BITAG na si Atty. Batas Mauricio, ayon sa kanya “tungkulin ng isang establisyimento na tugunan ang mga pinsala sa kanilang customer o panauhin”.
Upang makuha ang panig ng inirereklamong resort, kinausap din ng BITAG ang legal counsel ng resort na si Atty. Arnel Berato.
Agad pinabulaanan ni Atty. Berato ang pahayag ng pamilya, “exaggerated” daw ang sinabi ng pamilya na walang lifeguard at walang signage sang kanilang resort.
Ngunit ipinaliwanag ni Atty. Batas kay Atty. Berato na walang layuning masama ang mga nagrereklamo at nanghihingi lang ito ng tulong at konsiderasyon sa nangyaring aksidente.
“Hindi naman langit ang hinihingi ng mga nagrereklamo sapagkat pina-patronize nila yung establisyemento na kinakatawan ninyo ngayon ibig-sabihin wala silang layuning masama” paliwanag ni Atty. Batas.
Ayon kay Atty. Berato handa silang tumulong sa pamilya ng bata at inabisuhan ang ama ng bata na pumunta sa kanilang opisina at ipasa ang mga resibo sa ospital.
Nabanggit din ni Atty. Berato na may insurance ang kanilang resort.
Tutulungan ng BITAG ang pamilya na biktima na makipag-usap sa nasabing resort.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.