Expanded coverage at benepisyo para sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) nakatakda nang simulan ayon sa acting President at Chief Executive Officer (CEO) na si Emmanuel R. Ledesma Jr.
Kasama sa kanilang ipatutupad ang pagdaragdag ng outpatient hemodialysis session at magiging 156 na ang bilang ng mga pasyente mula sa dating 90.
“Sa pamamagitan ng expanded coverage na ito para sa outpatient hemodialysis, masusuportahan na po natin ang buong tatlong sessions kada linggo sa loob ng isang buong taon. Ibinase po ng PhilHealth ang increase na ito batay sa standards ng adequate dialysis na nangangailangan ng tatlong 4-hour sessions per week para sa stage 5 chronic kidney disease (CKD) patients,” paliwanag ni Ledesma.
Sinabi rin ni Ledesma na patuloy ang ahensya sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo para mas maging accessible at convenient ito sa maraming filipino. Kabilang na ang pagpapalakas ng Philhealth Konsulta Package at paglulunsad ng mobile app na makakatulong sa mga miyembro.
“Ang PhilHealth Konsulta Package ay primary care benefit na maaaring magamit para sa basic services tulad ng check-up, health screening and assessment, laboratory, x-ray, at gamot,” saad ni Ledesma.Samantala una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa PHILHEALTH na idagdag na rin ang outpatient mental health package at outpatient therapeutic care package para sa severe acute malnutrition sa mga bata na limang taong gulang pababa.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.