Binawian ng buhay ang isang security guard matapos itong umanong atakihin sa puso habang nasa oras ng trabaho sa Lipa City, Batangas.
Kinilala ang pumanaw na security guard na si 38-anyos na si Ronald “Jepoy” Abao na natagpuan na lamang na wala ng buhay sa binabantayan nitong gusali sa nasabing lugar.
“Hindi namin inaasahan yung nangyari. Napakabait ng kapatid ko masakit para sa amin yung biglaang pagkamatay niya,” wika ng kapatid ni Ronald na si Jenevein sa isang panayam ng BITAG.
Panganay sa walong magkakapatid ang tubong Gingoog City, Misamis Oriental na si Ronald. Ayon kay Jenevein, matagal nang panahon nang huli silang magkita ng kanyang kuya.
“15 taon na simula nung umalis siya dito. Lagi ko tinatanong sa kanya kung kailan siya uuwi dito sabi niya sakin uuwi rin daw siya hintayin lang daw namin malapit na,” ani Jenevein.
Kahapon (April 27), naiuwi na sa kanyang pamilya sa Misamis Oriental ang labi ni Ronald sa tulong ng security agency na kanyang pinapasukan.
Nakatakdang ihimlay si Ronald sa kanyang huling hantungan sa darating na Linggo, April 30.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.