MANILA – Isang working student ang lumapit sa programang #ipaBITAGmo. Kaniyang hiling, proteksyon laban sa pananakot diumano ng mga Online Lending Application (OLA) collectors.
Si Rina, hindi tunay na pangalan, estudyante sa umaga at nagta-trabaho sa gabi bilang isang call center agent.
“Wala na akong mga magulang, nakikitira na lamang kami ng aking 14-anyos na kapatid sa aming tiyahin sa Rizal. Napili ko pong manirahan mag-isa sa isang apartment sa Cubao para malapit sa aking pinagta-trabahuhan at kabawasan sa gastusin ng aking tiyahin.” Saad ni Rina kay Ben Tulfo, program host.
Ngunit, hindi na rin raw niya kaya ang mga gastusin dahil hindi sapat ang kaniyang sweldo kaya naisipan niyang umutang sa labindalawang (12) OLA.
Umabot ng P48,000 ang kabuuang utang ni Rina sa 12 na OLA. Hirap na raw siyang bayaran ang mga ito.
“Alam mo, hija, marami nang kapareho mo nabibiktima ng lintik na OLA na ‘yan. Ang OLA kasi madaling utangin pero mahirap pagdating doon sa sinasabing pagbayad, kalbaryo na ‘yan” pahayag ng program host na si Ben Tulfo.
Nagbigay naman ng karagdagang payo ang program host para sa dalaga matapos marinig ang mga sumbong ni Rina.
“It’s better na kasama mo ang mga tiyahin mo para… iba talaga ‘yung may pamilya kaysa nag-iisa ka. Baka kasi ‘pag mag-isa ka lang, mapapariwara ka. Hindi ‘yung‘pag medyo clouded na decision mo, kung ano-ano na magagawa mo baka kasi malagay ka sa alanganin. So, kung nando’n ka sa tiyahin mo or sa pamilya mo, tutulong sila sa’yo. Nagagabayan ka, hindi ka malulungkot,” ani ni Ben Tulfo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.