“Parang hindi pagkain ng tao yung binebenta nila,” ganito inilarawan ni alyas “Sarah” ang umano’y dugyot na pagawaan ng kakanin sa isang palengke sa Caloocan City.
“Wala silang proper suit, yung mga trabahador nakahubad lang hindi mo alam kung natutuluan ng pawis yun niluluto nila, tapos ang dumi ng area. Sa banyo nila hinuhugasan yung mga pinaglagyan ng latik. Kung saan-saan lang nakalagay yung gamit nila,” pahayag pa ni Sarah.
Upang kumpirmahin ang kanyang sumbong, agad pumoste ang BITAG undercover sa nasabing pagawaan.
Nakuha sa video ang nanlilimahid na pagawaan ng kakanin.
Ang mga trabahador, abala sa kanilang paggawa habang nakahubad. Walang din silang pakialam kesehodang matuluan ng pawis ang kanilang mga niluluto.
Nakita din sa surveillance video ang pag-ihi ng isang lalaki sa isang gilid malapit sa lutuan. Agad din siyang bumalik sa trabaho ng hindi man lamang naghugas ng kamay.
Maging ang kanilang alagang aso, labas-masok rin sa kusina.
Ang mga lalagyan ng pagkain, hinuhugasan mismo sa tabi ng inidoro.
Napag-alaman din ng BITAG na isa sa mga suki ng kadiring kakanin ay ang mga tindera ng canteen sa isang eskwelahan.
“Nag-aalala ako sa mga kakain ng binebenta nila may insidente na din na sumakit ang tiyan ng mga estudyante dyan sa kakanin na nilalako sa loob ng canteen na nanggaling sa palengke,” dagdag ni Sarah.
Bagamat taong 2012 pa nang ipalabas ang BITAG Classic na ito, posible pa din na may mga negosyong may kinalaman sa pagkain ang nagpapabaya pagdating sa kalinisan, kaayusan at sanitation sa kanilang pagawaan.
Panoorin ang isinagawang aksyon ng BITAG at Sanitation Division ng Caloocan City sa nakakabaliktad sikmurang pagawaan ng kakanin.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.