Sampal, ngudngod at tadyak daw ang mga inabot ng isang Grade 6 student ng San Vicente Central Elementary School, Northern Samar mula sa kaniyang lalaking guro.
Ayon sa kapatid ni Alyas Axel na lumapit sa #ipaBITAGmo, sa loob mismo ng classroom nangyari ang pananakit ng titser sa kaniyang kapatid.
Ikinagalit daw ng titser matapos makita si Alyas Axel na nambato ng papel sa kaniyang kaklase.
“Sinampal po niya agad yung kapatid ko, hindi niya hinintay yung paliwanag, natakot yung kapatid ko kaya tumakbo palabas pero hinablot siya ng teacher sa damit, pina-squat yung kapatid ko at pinatungan ng libro sa kamay at sinipa pa po. Gusto ko po humingi ng tulong sa BITAG, kay sir Ben Tulfo para po mabigyan ng leksyon ang teacher,” paliwanag ng nakakatandang kapatid ng biktima.
Nang magharap umano sila ng inirereklamong guro sa Principal’s Office, humingi daw ito ng tawad subalit hindi umamin sa ginawang pananakit kay Alias Axel.
Paliwanag naman ng inirereklamong guro kay Ben Tulfo sa programang #ipaBITAGmo, uminit ang kanyang ulo sa mga estudyante dahil sa pagi-ingay sa gitna ng klase.
Ayon kay Tulfo, maling pagbuhatan ng kamay ang mga estudyante at labag sa batas ang anumang uri ng “corporal punishment.”
Ikinainit ng ulo ni Tulfo nang makailang beses itinanggi ng guro ang mga pananakit na ginawa sa estudyante sa kabila ng paghingi nito ng tawad sa kapatid ng biktima na nasa tanggapan ng BITAG.
“Ang ibigsabihan mo ba nagsisinungaling ang mga bata? Rerespetuhin kita pero ‘wag kang magsisinungaling sa akin, hindi ko sinasabi na pinaniniwalaan ko ang mga bata pero kapag nagtanong ako ‘wag mo ako lolokohin, wag mo akong paikutin… nag-sorry ka nga sa magulang diba?! Pinagbuhatan mo kasi ng kamay” giit ni Tulfo.
“Kapag ikaw ay isang guro, pangalawa kang magulang ng mga bata, hindi mo sila pwede pagbuhatan ng kamay!” dagdag pa niya.
Samantala, agarang nakipagtulungan sa BITAG ang Department of Education sa Northern Samar. Bukod sa kasalukuyang imbestigasyon ay ipinatatawag na rin ang inirereklamong guro sa tanggapan ng DepEd Northern Samar.
Panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.