Nabulag ang paningin ng isang lalaki matapos siyang sabuyan ng asido sa mukha at tangkaing patayin ng kanyang dating nobya noong taong 2014.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Raymond Marasigan habang tinukoy naman ang suspek bilang ang kanyang ex-girlfriend na si Beejay Martinez.
Taong 2007 nang maging magkarelasyon sina Raymond at Beejay. Naging maayos naman daw ang relasyon ng dalawa hanggang sa unti-unti raw nagbago ang lahat nang mag-iba ang ugali ni Beejay.
“Ayaw nya akong paglaruin ng computer games, ng basketball. Ayaw nya ng may barkada ako, ayaw nya ng umiinom ako,” kwento ni Raymond sa Bitag Crimedesk.
Tuwing sila ay nag aaway, nagbabanta rin daw si Beejay na tatapusin nito ang sarili niyang buhay. Ito raw ang nag-udyok kay Raymond upang tuldukan na ang limang taong relasyon nila ni Beejay.
“Nasakal na ako. Hindi ko na kaya tiisin. Nakipaghiwalay na ako,” ani nito.
Makalipas ang isang taon, bigla na lamang daw nagparamdam si Beejay kay Raymond upang magpatulong na makahanap ng bagong trabaho.
March 10, 2014, personal na nagkita ang dalawa sa isang clinic sa Valenzuela City kung saan nagtatrabaho si Beejay bilang isang receptionist.
Nung araw na yun, wala raw kamalay-malay si Raymond sa binabalak ng kanyang dating kasintahan na si Beejay.
Kwento ni Raymond, bigla nalang daw siyang sinabuyan ng asido sa mukha ni Beejay at pinagpapalo ng tubo sa ulo alas otso y media nang gabi ng March 10 sa loob ng nasabing clinic.
“Anong ginawa kong kasalanan bakit ginawa niya sa akin to. Pinarusahan niya ako eh. Di ko naman deserve to” wika ni Raymond.
Alamin ang buong istorya, PANOORIN:
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.