• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
BITAG CLASSIC: TINIKTIKAN! MGA MANDURUKOT SA PASAY, KINALAWIT NG BITAG!
April 30, 2023
70-ANYOS NA LOLA, NAGLALABADA PA; INAASAHANG SENIOR INCENTIVE, WALA
May 3, 2023

Training pa-abroad? Probinsiyana, Inalila sa Bahay ng Recruiter

April 30, 2023
Categories
  • Bitag Exclusives
Tags
  • Bitag Exclusives
  • NotFeature

-29 ng Pebrero, taong kasalukuyan, tumakas ang 27-anyos na si Shiela Mae Pascua sa bahay ng kaniyang recruiter sa Fairview, Quezon City.

Sumbong ni Shiela, mula Cagayan Valley ay nakilala niya si “Monalisa,” nagpakilalang ahente ng isang recruitment agency sa Maynila. 

Ayon kay Shiela, inalok siya ni Monalisa na magtrabaho sa Kuwait bilang domestic helper. 

“Grade 6 lang ang natapos ko kaya napakahirap maging magsasaka ng mais, kaya naengganyo ako na mag-abroad para gumanda naman ang buhay namin.” 


Dagdag ni Shiela, dinala siya ni Monalisa sa isang bahay sa Quezon City kung saan nakilala niya ang iba pang aplikante na mula din sa iba’t-iban probinsiya. 

Sa isang video na ipinakita sa BITAG ni Shiela, tila mga sardinas na nagsisiksikan sa dami ang mga babaeng kasamahan niya sa bahay. 

“Training daw namin ‘yun, para handa kami sa pagtatrabaho namin sa abroad. Pero hindi ko na kinaya ang mga pinapagawa niya kaya tumakas na ako,” sumbong ni Shiela sa #ipaBITAGmo. 

Umabot ng 11-buwan si Shiela sa bahay na tinatawag umanong “accommodation.” Hindi umano nakatikim ng sahod si Shiela at kaniyang mga kasamahan. 

Paliwanag ng BITAG resident lawyer na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr., “itinuturing na human trafficking sa batas na Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang anumang pagkuha o recruitment, ang pagdadala sa ibang lugar, pati na rin ang forced labor na nangyari. Hiwalay na kaso pa ang hindi pagbibigay ng sahod. Dapat nang kasuhan sila nang todo nang hindi na makalabas pa ang mga taong ‘yan.”

Sa pakikipag-ugnayan ng BITAG kay Quezon City Police District Police Station 5 (QCPD PS 5) sa Fairview, Quezon City, tutulungan nila ang biktimang si Shiela na makuha ang kaniyang mga gamit sa accommodation.  

“Makikipag-coordinate po kami sa barangay captain para i-assist ang pulis natin at samahan siya kung sakaling may kasama pa siya doon at para matulungan siyang makuha ang kanyang mga gamit,” saad ni PLTCOL. Elizabeth Jasmin, station commander ng QCPD PS 5 Fairview.

Kasalukuyan, ligtas ng nakauwi si Shiela pabalik sa Cagayan Valley at kasama na ng kaniyang pamilya.

Ang buong imbestigasyon at aksiyon ng BITAG sa sumbong na ito, panoorin:

YouTube player

Recent News

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA
National News
April 7, 2025

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA

The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved