Isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lumabas na isa sa dalawang topnotchers ng Civil Engineering Licensure Examination (CELE) nitong Abril.
Si Alexis Castillo Alegado ng Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte, kasama ang estudyanteng si Engr. Garret Wilkenson Ching Sia ng De La Salle University Manila, ang parehong nakasungkit ng unang posisyon na may 92.10% na grado sa nasabing pagsusulit.
Agad na binati ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Alegado sa kaniyang tagumpay. Ang 4Ps ay nasa ilalim ng DSWD.
“Patunay po ang tagumpay ni Engr. Alexis Alegado na ang ating 4Ps ay napakahalaga sa bawat pamilyang Pilipino para mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak na siyang makakatulong para sa pag-angat mula sa kahirapan,” ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez.
Dagdag pa ni Lopez na ang tagumpay ni Alegado ay patunay na may magandang kinahihinatnatnan ang nasabing programa lalo na sa mga kabataang nais abutin ang kanilang mga pangarap ay makaligtas sa kahirapan.
Nabanggit din ni Alegado sa isang interview na tinanggal niya ang lahat ng kaniyang social media accounts bago i-anunsyo ang resulta, kung kaya’t ikinagulat nito nung nalaman niya ang resulta ng nasabing examinasyon.
“Gusto lang po talaga is pumasa. Bonus na lang po kung magto-top,” dagdag pa nito habang kinukuwento na pinangarap niya talaga simula pagka-bata ang pagiging isang inhinyero, at mas pinagtibay pa ng kaniyang kapitbahay na isa ring inhinyero.
“Kasi po engineer yung kapitbahay namin, na-amaze po ako sa mga ginagawa niya,” sabi ni Alegado.
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.