Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa buwan ng Abril partikular ang karneng baboy, ayon sa pinakahuling survey ng Philippine Statistic Authority (PSA).
Base sa walong trading centers na naobserbahan nitong Abril 15 at 17, tumaas ang presyo ng karne ng baboy mula sa P3 to P25 kada kilo.
Samantala nagkaroon naman ng pagbaba ng presyo ng pork sa Cebu City at Butuan City sa parehong panahon. Halagang P10 ang nabawas mula sa dati nitong presyo.
Sa bigas naman, P0.11 hanggang P2.90 ang naging dagdag-presyo base sa apat na trading centers. Nagkaroon naman ng pagbaba ng presyo sa Legazpi City o P0.5 ang nabawas sa presyo at P3.25 naman sa Tuguegarao City.
Sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) noong Abril 29, 2023, ang well-milled na bigas ay nagkakahalaga ng P40 to P46 kada kilo. Ang dating P310 kada ng kilo ng pork kasim ngayon ay P365 na, habang aabot naman mula sa P350 hanggang P420 kada kilo ang presyo ng pork liempo.
Pati presyo ng sibuyas tumaas na rin base sa monitoring sa apat na trading centers, P10 hanggang P24 kada kilo ang nadagdag, sa limang trading centers naman P7.50 hanggang P10 kada kilo ang ibinaba.
Sa National Capital region (NCR), noong Abril 29, P140 hanggang P180 ang naging presyo sa kada kilo ng pulang sibuyas at P150 hanggang P200 naman sa kada kilo ng puting sibuyas.
Noong Abril 15 hanggang 17, P2.50 hanggang P20 ang nakitang pagtaas sa presyo ng calamansi sa pitong trading center. Bumaba naman ng P2 sa NCR at P14.50 naman sa Baguio City ang nasabing produkto sa parehong panahon.
Sa pitong trading center nakita rin ang pagbaba ng presyo ng galunggong sa halagang P4.57 hanggang P35 kada kilo ngunit P5 naman ang naging dagdag presyo sa Digos City, P20 sa Cabanatuan City at P25 naman sa Tuguegarao City.
Nagkaroon din ng kaunting pagbaba sa presyo ng brown sugar, P0.19 hanggang P3 kada kilo sa apat na trading centers. Kung susumahin ang average na pagtaas sa kada kilo ay umabot ng P0.26 sa Tuguegarao City.
Lumalabas naman sa monitoring ng DA na ang presyo ng brown sugar ay naglalaro sa halagang P78 hanggang P95.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.