“Apat na taon kaming nagsunog ng kilay sa pag-aaral maipasa lang lahat ng subjects tapos hindi daw kami makaka-graduate,” hinaing ng tatlong estudyante ng isang aeronautical school sa Cebu na lumapit sa BITAG.
“Paliwanag po nila, dahil mga transfered students kami ay hindi nila accredited ‘yung mga subjects namin sa dating eskwelahan. Bakit nila kami tinanggap at pinaabot pa hanggang 4th year sa school,” dagdag ng mga nagrereklamo.
Sagot naman ngschool administrator ng inirereklamong aeronautical school kay Ben Tulfo sa kaniyang programang BITAG-Pambansang Sumbungan, pauwiin na lang ang mga estudyante sa Cebu para makausap ng kanilang Presidente para sa pinal na desisyon.
Hindi naging kuntento si Tulfo sa kasagutan ng eskwelahan kaya’t inilapit din ng BITAG ang reklamo sa Commission on Higher Education (CHED).
Kinumpirma ng CHED na may pananagutan ang unibersidad sa reklamo ng mga estudyante. Hindi rin pumayag ang CHED sa desisyong hindi makagraduate ang estudyante.
Dahil sa kumpirmasyon ng CHED at sa hamon ng ekskuwelahang kausapin ng mga estudyante ang kanilang presidente, lumipad ang BITAG Investigative Team sa Cebu para samahan ang mga nagrereklamo.
Ang resulta ng imbestigasyon at pagbabago ng tono ng inirereklamong aeronautical school ng makaharap ang BITAG, panoorin:
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.