Kada tatlong buwan, may natatanggap na P1,500 na social pension mula sa lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa, Laguna si Prescilla Opena.
Sa edad na 70, malaking tulong na daw ito para sa kagaya niyang pinabayaan na ng kanyang mga anak. Siyam ang anak ni Prescilla.
Matagal na rin namayapa ang kanyang asawa at nasanay na rin daw siyang mamumuhay mag-isa. Parehong putol rin na ang linya ng tubig at kuryente sa kaniyang bahay kaya madalas sa mga kapitbahay siya tumatambay.
Kwento ni Prescilla sa BITAG Media Digital, madalas ay inaabutan na lamang siya ng pagkain ng mga kapitbahay para mairaos ang isang araw.
Para may kaunting kita, sa kaniyang edad tumatanggap nalang sya ng labada at mga paplantsahing damit. Minsan P500, minsan naman P600 ang kita nya sa isang linggo.
Ilan lamang si Prescilla sa mga libo-libong miyembro ng indigent senior citizens o mga mahihirap nating lolo at lola na walang ipon o sustentong natatanggap mula kanino man.
Kamakailan, napag-alaman ni Lola Prescilla na may insentibo pala na binibigay ang city hall sa mga senior citizen. Isa na dito ang Birthday Cash Gift kung saan makakatanggap ng P500 sa kaniyang kaarawan.
Maliban dito, mayroon pang birthday incentives ang mga 65 years old kung saan sila ay makakatanggap ng P4,000 at tumataas ito ng dalawang libo piso kada limang taon. Ibig sabihin, ang kagaya ni Prescilla na 70 taong gulang ay makakatanggap na dapat ng P6,000.
Subalit noong lumapit siya sa Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) sa Sta. Rosa, Laguna, labis na nalungkot si Lola Prescilla. Sinabihan siyang maghintay nalang daw muna dahil wala pa raw budget ang munisipyo para sa katulad niya.
Mahigit walong buwan nang naghihintay si Prescilla, pero hanggang ngayon wala pa din daw malinaw na tugon sa kanya ang OSCA – Sta. Rosa.
Dahil sa matinding kakapusan, humingi na ng tulong si Lola sa Bitag Action Center. Hindi inalintana ang edad, maiparating lang ang kaniyang ninanais.
Ang istorya ni Lola Prescilla, abangan mamaya sa #ipaBITAGmo, live sa IBC TV13 simulcast sa CLTV 36 simula 10:30 hanggang 12:00 ng tanghali.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.