Hindi makapaniwala ang driver na si Rony Siervo na perwisyo ang kanyang aabutin sa pamimili sa isang hardware store sa Cubao, Quezon City.
January 27, pumasok siya sa isang hardware store para mamili ng mga gamit sa bahay. Pina-iwan daw ng staff ang bitbit na bag sa baggage counter.
Ngunit matapos ang kalahating oras na pag-iikot at pamimili, napag-alaman niyang may kumuha na daw ng kanyang bag.
Ayon sa staff ng hardware store, nakita sa CCTV footage na may isang hindi kilalang lalaki ang kumuha sa bag ni Rony.
Ngunit dahil walang bantay ang CCTV ay hindi napigilan ang pagnanakaw.
Sa pagko-compute ni Rony, aabot sa halos P80, 000 ang halaga ng mga gamit niya sa bag. Nasa loob daw kasi ng kanyang bag ang mga duplicate ng mga sasakyang minamaneho.
Agad uminit ang ulo ni Mr. Ben Tulfo nang marinig ang reklamo ni Rony sa #ipaBITAGmo lalo nang sabihin ni Rony na ilang buwan na siyang naghihintay ng sagot at solusyon sa insurance ng hardware store.
“Kung nasa insurance nila, dapat sila ang nagfa-follow up para sa iyo. Ikaw na ang nawalan at naperwisyo, nagtiwala ka sa kanila tapos sila pa ang nagsasabi na maghintay ka lang,” wika ni Mr. Ben Tulfo.
Tinawagan ng BITAG ang inirereklamong hardware store, ayon sa kanilang abogado, hindi daw nila kayang ibigay ang P80,000 na hinihingi ni Rony, ngunit handa silang makipag-usap ng pribado.
Hindi nagustuhan ni Mr. Tulfo ang sagot ng hardware store, ipinaliwanag nito na “may pananagutan ang pribilehiyo na ibinigay sa inyo ng gobyerno na mag negosyo.”
“Anak ng tipaklong naman, tatawad pa kayo, naperwisyo na nga ang tao. Mr. DIY, hindi kami Anti-Business pero may consumer rights itong nagrereklamo… may pananagutan at responsibilidad kayo sa kliyento niyo!” dagdag ni Mr. Tulfo.
Makikipagtulungan ang #ipaBITAGmo sa Department of Trade and Industry (DTI) upang malaman ang “consumer rights” ng biktimang customer. Sisilipin din ng BITAG ang permit at lisensya ng negosyo sa opisina ng Business Permit Licensing Office (BPLO) ng Quezon City.
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.