Sa bilangguan karaniwan isinasagawa ang BODY SEARCH. Kinakapkapan at iniinspeksyon ang mga dala-dala ng bibisita sa mga bilanggo.
Layunin nito na maiwasan ang pagdadala o pagta-trapiko ng mga ipinagbabawal o mapanganib na bagay tulad ng armas, droga, at cellphone sa loob ng selda.
Nangyayari din ang body search sa mga taong naaresto ng kapulisan. Standard operating procedure (SOP) ito ng mga pulis sa naarestong suspek.
Ginagawa ang pamamaraan na ito upang makahanap pa ng mga karagdagang ebidensya.
May dalawang klase ang body search, una ang ang Strip searching, kung saan kailangan hubarin ng suspek ang lahat ng kanyang kasuotan upang inspeksyunin.
Pangalawa, ang Body cavity kung saan pinaghuhubad, pinatuwad at binusisi ang lahat ng butas sa katawan upang masigurong walang itinatago na kontrabando at ebidensya ang nadakip na suspek.
Pero ayon sa Philippine National Police (PNP), isinasagawa lamang sa isang indibidwal ang BODY SEARCH kung mayroon itong bisa ng warrant, nahuli sa entrapment operation, buy bust o drug, gayundin sa ang warrantless arrest kung naaktuhang ginawa ang isang krimen.
Paalala ng PNP, hindi dapat maging basehan ng kapulisan ang suspetsa o hinala upang isagawa ang body search.
Ang sinoman hindi inaresto o basta na lamang sinita ng pulis, at pinilit na kapkapan o gawan ng anuman klaseng body search maituturing itong illegal ayon sa PNP.
Mula Nobyembre 2011 hanggang Enero ng 2012, makailang beses nakatanggap ang BITAG ng reklamo hinggil sa illegal na Body searching ng mga kapulisan.
Ang mga biktima, pare-pareho ang naging salaysay sa BITAG. Hinarang umano sila ng mga pulis na may kasamang sibilyang indibidwal.
Walang warrant, walang naganap na operasyon, basta na lamang umano silang dinukot at dinala sa presinto at saka ginawa ang body searching.
Matinding trauma at kahihiyan daw ang naging epekto nito sa mga biktima.
Para sa isang clinical psychologist na si Dr. Camille Garcia, isang malaking kasiraan at kahihiyan sa mga taong naging biktima ng illegal body search lalong lalo na kung isinagawa ito sa harap ng ibang tao.
“Yung illegal body search, we cannot consider it as humiliation, it is something considered as torture. It will not only instill fear, phobia, but it can psychologically affect an individual,” wika ni Dr. Garcia.
Panoorin ang isinagawang imbestigasyon ng BITAG sa mga inirereklamong pulis na nagsagawa ng illegal body search:
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.