Isang Barangay Tanod mula Caloocan City ang dumulog sa Action Center ng BITAG.
Panawagan ni Noel Pormenro kay Mr. Ben Tulfo tulungan siyang bawiin ng barangay ang ticket na ipinataw sa kanya dahil sa nakahambalang niyang sasakyan.
Inireklamo ni Pormenro ang mga tauhan ng City Environment Management Department (CEMD) ng Caloocan dahil sa paniniket sa kanya ng mga ito.
Tanong ng Brgy. Tanod kay Tulfo, “Sir, bakit ako lang ang binigyan ng ticket sa amin, eh maraming pasaway na iba?”
Ipinaliwanag ni Ben Tulfo, na tama lang ang ginawa ng CEMD dahil kapag ang isang sasakyan ay hindi tumatakbo, nakaparada at nakakasagabal ay kailangan talaga mag-isyu ng ticket sa mga lumalabag sa mga ordinansa.
Giit ni Mr. Ben Tulfo, “May violation ka pa rin, ikaw ay isang Brgy. tanod dapat ikaw ang unang-unang tutupad sa tungkulin ng barangay, hindi ka dapat lumabag sa anumang ordinansa ng siyudad”
“Malamang inirereklamo ka ng kapitbahay mo, Brgy. Tanod ka, tagapagpatupad ka nang anumang batas ngunit ikaw mismo ang kumukontra at lumalabag” dagdag ni Mr. Tulfo.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.