Humingi ng saklolo ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa BITAG Headquarters matapos umano patubusin sa kanya ang sariling anak mula sa isang lady guard ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Dahil sa sobrang tuliro sa mga sunod-sunod na problema na pagkamatay ng kanyang mga kamag-anak, nagawa ni Fatima na makipagkasundo sa lady guard na bibigyan siya ng pamasahe pauwi ng Cotabato.
Subalit ang kapalit nito ang anak na sanggol si Fatima.
“Sinabi niya (lady guard) sa akin bilhan kita ng ticket, uwi ka sa Cotabato, pero iwan mo sa akin ang bata”
“Isang araw lang ako sa Cotabato, bumalik ako dito (Maynila), ayaw niya ibigay sa akin yung anak ko, ibibigay lang niya sa akin ang anak ko kung makabigay ako sa kanya ng P15,000.”
Nakumpirma ng BITAG ang reklamo ni Fatima nang pinatawagan namin siya sa nasabing guwardiya.
Agad nakipag-ugnayan ang BITAG kasama si Erwin Tulfo sa mga operatiba ng Region 4 ng Regional Special Operations Group (RSOG) para sa gagawing pag-rescue sa anak ni Fatima.
Sa isang hardware store sa Bacoor City, Cavite, nakipagkita si Fatima sa lady guard.
Maya-maya pa, dumating din ang isang grupo, bitbit ang anak ni Fatima.
Hindi na nagdalawang isip ang mga operatiba at hinuli ang mga may hawak sa sanggol. Nagawa pa nitong pumalag mga suspek pero sa bandang huli, naaresto din ang mga ito.
Panoorin ang maaksyong pag-rescue ng BITAG sa link na ito.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.