Inaresto ng mga pulis ang isang nagngangalang Ferdinand Marcos sa isang bar sa Bonifacio Global City sa kasong ‘acts of lasciviousness’ noong nakaraang linngo.
Ang Marcos na dinakip noong Abril 30 ay ang isang 23-anyos na British-Filipino na nireport na nang-harass ng tatlong babae habang nasa party.
Ayon sa Southern Police District (SPD), hinalikan ng banyaga ng walang pasabi ang isang 19-anyos na dalaga, nanghawak ng isa pang 19-anyos na dalaga, at inaya ang isang 23-anyos na dalaga na makipagtalik sa kaniya kaya agarang isinumbong siya ng mga babae sa kapulisan sa lugar.
Sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, ang lascivious conduct ay ang “sinasadyang paghawak, direkta man o sa pamamagitan ng pananamit, ng ari ng sinumang tao, kaparehas man o kabaligtaran ng kasarian, na may layuning abusuhin, pahiyain, i-harass, o pukawin ang sekswal na pagnanasa ng sinumang tao.”
Kasalukuyang nasa Taguig City Hall ang nasabing banyaga habang hinahanda ang mga kasong ipapataw dito.
Samantala, isang kapangalan naman ng sikat na komedyante na si Joey de Leon ang inaresto sa Quezon City noong Martes, Mayo 2 dahil sa ilegal na droga.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) director na si Brig. Gen. Nicolas Torre III, hinuli ang suspek sa kaniyang tahanan sa Barangay Batasan Hills bandang mga alas-2:30 ng hapon.
Binabaan na ng warrant of arrest mula sa Quezon City court si De Leon sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Isa si De Leon sa walong inaresto sa nasabing lugar. Napag-alaman din na siya ay isa sa most wanted na pugante ng QCPD Station 8.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.