Sa #ipaBITAGmo dumulog ang asawa at kapatid ni Ronald Liban.
Ayon sa kanila, November 2022 habang nagtatrabaho si Ronald ay nakuryente ito matapos aksidenteng makahawak ng live wire.
Matapos ang 7-araw na gamutan sa ospital ay binawian ng buhay si Ronald noong November 15, 2023.
Sa death certificate nito ay pneumonia ang immediate cause ng pagkamatay ni Ronald habang electrical injury from electrocution naman ang underlying cause.
Umabot sa halos P1.5 million ang hospital bill ng biktima na sinagot ng kanyang boss mula sa Frontrow Stage Rentals.
Dahil sa hindi inaasahang pagkamatay, tulong pinansyal at pananagutan ang habol ng pamilya ni Ronald lalo na at naiwan nito ang tatlong anak na kasalukuyang nag-aaral pa.
Bukod sa Frontrow Stage Rentals ay supplier din ang Audiotronix na nag-provide naman ng lights and sounds para sa event.
“Gusto po sana namin na si Audiotronix at yung mall po ay makapag-abot din ng tulong para sa pamilya naming” panawagan ng kapatid ng biktima sa BITAG.
Sa isang text message, ipinaliwanag naman ng may-ari ng Audiotronix sa BITAG na nakapagpasa na sila ng kanilang report at salaysay sa mall kung saan naganap ang event.
Samantala, nakausap ng BITAG ang may-ari ng Frontrow Stage Rentals.
Ayon sa kaniya, bukod sa tulong na inabot niya sa hospital bill ay tutulungan niya makipag-usap ang pamilya sa may-ari ng Audiotronix at management ng mall upang makahingi rin ng karagdagang tulong pinansyal.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa kasong ito;
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.