Patay ang isang 35 anyos na padre de pamilya matapos mabangga ng kasunod na truck habang nagmamaneho ng motorsikolo sa kahabaan ng Macalintal Avenue sa San Jose, Batangas nitong Lunes, May 1 ng hapon.
Dead on the spot ang biktima na nagngangalang si Marlon Derama ng masalpuk at maipit ng truck.
Ayon sa kuha ng CCTV, sumampa sa bangketa ang isang sasakyan upang makaiwas sa makakasalubong na truck.
Kumabig naman sa ibang direksyon ang driver ng truck ngunit saktong nabangga naman ang nasa unahan niya na si Derama.
Nangangamba naman ang asawa ng biktima na si Laarni Derama kung paano magsisimula ngayong wala na ang asawa nito. Walo ang naulilang anak ng namatay na rider.
“Kasi siya ang naghahatid-sundo sa anak ko, siya ang nagluluto, siya ang nag-iintindi sa mga anak ko kasi parehas po kaming may trabaho. Mahirap po ang walang katuwang,”- saad ng asawa ng biktima.
Samantala, humihingi naman ng tawad ang driver ng truck kaugnay sa sinapit ng biktima.
“Sana mapatawad ako. Hindi naman sinasadya yung nangyari sa kaniyang asawa,” saad ni Basilio Fabro.
Nagpaalala naman ang pulisya sa mga truck drivers na kung pwede ay bagalan ang pag-maneho at isaalang alang ang lahat ng kaligtasan ng gumagamit ng highway.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.