Matindi ang galit ng single mom na si Mary Jinky Andol, 33-anyos mula Pampanga, nang dumating ito sa BITAG Action Center.
Naunsiyami ang kaniyang pagpunta ng London dahil dineny ng British Embassy sa Maynila ang kaniyang visa application. Nakatakda na sana silang magsama ng kaniyang kasintahan na ng 3-taon na isa ring British National.
Sumbong ni Jinky sa #ipaBITAGmo, kasalanan ng agency kung bakit siya na-deny na mabigyan ng visa. Nasayang umano ang ibinayad ng kaniyang boyfriend sa travel agency na P90,000.00 para lang maasikaso ang kanyang pagpunta ng London.
Nais ni Jinky at ng kaniyang boyfriend na ma-refund ang kanilang mga naibayad kasama na ang ibinayad sa ticket ni Jinky papuntang London.
Paglilinaw naman ni Ben Tulfo, walang magagawa ang travel agency sa desisyon ng British Embassy sa Manila. Consul ang nagpa-pasiya sa mga aplikanteng dapat mabigyan ng visa na ang pagbabatayan ay ang resulta ng interview at mga ipinasang dokumento.
Ayon kay Tulfo, kung talagang nagmamahalan si Jinky at ang boyfriend na British national ay magpakasal na sila para makapag-apply ng fiancé visa sa embahada.
“Kung mahal ka ng boyfriend mo, gagawa siya ng paraan. Puwede mong sabihin, If you really love me, come and visit me, let’s get married and present me to the embassy that I’m your wife,” pays ni Tulfo sa nagrereklamong si Jinky.
“Ang ticket balewala ‘yan, matutulungan ka ng BITAG na ma-refund ‘yan. Pero ‘yung lifetime na makasama mo ang sweetheart mo, I go for that,” pagtatapos ni Tulfo.
Ang buong detalye ng sumbong, Panoorin sa BitagTV YouTube channel:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.