Pangarap ng isang sexy model na si “Mau” na magkaroon ng malaking dibdib at matambok na puwitan. Upang ma-achieve niya ang inaasam na hubog ng katawan, nagpagawa siya sa isa umanong espesyalista na inirekomenda ng kanyang kaibigan.
Pero sa halip na maging kaakit-akit, kalbaryo ang naging resulta ng kanyang pagpaparetoke. Taong 2008, nang idulog niya sa BITAG ang kanyang naging problema.
Sa halagang P30,000, panandaliang nakamit ni “Mau” ang katawang mala “pantasya ng bayan”. Makalipas daw kasi ng ilang buwan, naglabasan ang mga problema na halos ikamatay niya.
“As in bedridden ako, nagsugat-sugat ang boobs pati yung butt ko. 7 months ako na-bedridden. Hindi ako makapag trabaho. Umiiyak lang talaga ako sa bahay.”
May lumabas din daw na mga bukol sa kanyang dibdib.
Nang bumalik siya sa nasabing espesyalista, sinabi sa kanya nito na “natural” lang daw ang mga nararamdaman niya.
“Pinakita ko sa kanya yung mga sugat-sugat, sabi niya wala yan. Tapos pinakapa ko sa kanya yung mga bukol, sabi ni doktora, mga namuong gamot lang ‘yan, talagang masakit ‘yan,” salaysay ni Mau kay Ben Tulfo.
Pinatingnan ng BITAG sa isang lehitimo at lisensyadong plastic surgeon si Mau. Dito nadiskubre na ang kemikal na ginamit sa kaniya ay isang liquid foreign body material na ipinagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA).
Nakipag-ugnayan ang BITAG sa mga operatiba ng District Intelligence Investigation Division-Southern Police District. Agad ikinasa ang entrapment operation laban sa pekeng espesyalista.
Ang nagpanggap na dermatologist, panoorin sa BITAG Classic episode!
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.