Si Jeremy Baltar ay nagtatrabaho bilang isang company driver.
Nitong nakaraang Oktubre habang nagmamaneho ay nakabunggo si Jeremy ng isang motor. Sa kasamaang palad, namatay ang driver ng motor.
Kinasuhan si Jeremy ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, nakulong din siya ng halos dalawang buwan. Samantala, nag-abot daw ng P214,000 ang agency ni Jeremy para makapagpiyansa ito.
Ngunit ayon kay Jeremy, ang perang inabot ng agency ay magsisilbing utang at ikakaltas sa kanyang buwan-buwan na sahod. Pagkalabas daw niya ng kulungan ay pinapirma siya ng kasulatang pumayag siya sa kasunduang ito.
“Magulo po ang utak ko noon, nagsabi ako na tsaka ko na lang sana pipirmahan at magtatanong muna ako pero sabi sa aking ng accounting, hindi raw pwede at hindi ako makakalabas kung hindi ako pipirma” paliwanag ni Jeremy sa programa ng BITAG.
Sinubukan ng BITAG makuha ang panig ng agency ni Jeremy ngunit tumanggi daw ang kanilang abogado na magsalita. Samantala, papanoorin daw nila ang sumbong ni Jeremy sa BITAG at kung sakaling may mabanggit si Jermey laban sa kanilang agency ay kakasuhan daw nila ang driver.
Malaking kwestyon naman para kay Atty. Batas Mauricio, ang resident lawyer ng BITAG ang higit P200,000 na piyansa ni Jeremy.
“Kailangang liwanagin bakit napakataas ng piyansa? Yan po ay lumilitaw reckless imprudence resulting to homicide lang naman po ‘yan.” Paliwanag ni Atty. Batas.
Kung sa usapin naman ng danyos perwisyo, dapat daw ay sagutin ng insurance ng agency o kompanya ito at hindi dapat hingan o singilin ang driver.
“Anong dahilan at pinagbabayad pa ng danyos perwisyo ‘yung driver samantalang bayad na dapat ng insurance ‘yan” dagdag nito.
Ipaliwanag din ng batikang abogado na labag sa batas ang pamimilit sa isang tao na pumayag sa isang kasunduan.
“Kapag pinilit natin ang sinuman na gawin ang anumang labag sa kanyang kalooban, ‘yan po ang labag sa batas at hindi katanggap-tanggap. Bakit? Aba ay may kalayaan at may karapatan ang bawat Pilipino na magpasya para sa kanilang sarili nang hindi tinatakot, hindi pinagbabantaan”Si Jeremy Baltar ay tutulungan ng BITAG na makalapit sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang malaman ang karapatan nito bilang isang empleyado.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.