“Akin ka!” Ito ang panakot na mensaheng iniiwan ni Mark Soque sa mga babaeng biktima ng kanyang panggagahasa at pangmomolestiya.
Si Mark Soque ang tumatayong lider ng isang holdap group na umatake sa mga walong establisyemento sa Antipolo at Quezon City taong 2015. Si Soque din ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Koreana matapos isagawa ang pagnanakaw sa isang coffee shop.
Ayon sa Quezon City Police District – Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU), naging tatak o signature move ni Soque ang pagnakawan, molestiyahin at halayin ang mga babaeng service crew.
Pero may kasabihan. Ang bawat kasamaan, may hangganan. Pebrero 12, 2015, matapos ang halos dalawang buwang manhunt operation, nahulog sa BITAG ng mga awtoridad ang suspek.
Eksklusibo nakapanayam ni Ben Tulfo si Soque sa tanggapan ng QCPD-CIDU. Kumbinsido ang BITAG na hindi holdap ang pangunahing pakay ni Soque kun’di pangmomolestiya at panggagahasa.
Bagamat mariin itong itinanggi ng suspek, sa imbestigasyon ng mga pulis, maliit na halaga lamang ang nakukuha nito sa tuwing nanghoholdap o umabot lamang sa P4000 hanggang P5000 kada establisyemento. Kalaunan, umamin din si Soque kay Tulfo na “nademonyo” siya kaya nagawang halayin at molestiyahin ang mga babaeng biktima.
Apat na araw matapos ang isagawang interview ni BITAG, napatay si Soque matapos tangkaing agawin ang baril ng babaeng police escort sa QC court.
Panoorin ang ekslusibong panayam ng BITAG sa serial rapist, molester at ang malagim niyang katapusan:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.