Basag ang mga salamin at nagulo ang mga paninda ng isang convenience store sa Parañaque City matapos itong araruhin ng isang service utility vehicle (SUV) madaling araw nitong Sabado (May 7).
Sa kuha ng CCTV footage, makikita ang pagliko ng SUV upang mag park sa nasabing convenience store nang magdire-direcho ito sa loob ng establisyemento.
Nahagip ng sasakyan ang guwardiya at kahera ng convenience store na parehong nagtamo ng pasa sa pangyayari.
Napag alaman naman ng mga awtoridad na 15-anyos lamang ang driver ng SUV at wala itong pinanghahawakang lisensya.
Ayon sa Parañaque Traffic Bureau, inimpound nila ang sasakyan habang tiniketan naman nila ang menor de edad na driver.
Base sa ulat, nagka-areglo ang pamilya ng driver at may-ari ng convenience store gayundin ang mga nasugatan nitong tauhan.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.