Tila hindi makatao ang sinapit ng isang pamilya sa Pasig City matapos silang palayasin sa kanilang inuupahan sa kalagitnaan ng burol ng kanilang namayapang kamag anak.
Nobyembre taong 2022 nang magsimulang mangupahan sa isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City ang pamilya ng 36-anyos na si Rose –hindi niya tunay na pangalan.
Ayon kay Rose, maayos at wala naman daw naging problema ang kanyang pamilya sa nasabing paupahan.
Hanggang nito lamang Pebrero, nabulabog daw ang kanilang tahimik na pamumuhay nang biglang dumating ang isang babae na nagpakilalang tunay na may-ari ng paupahan.
Ang nagpakilalang may-ari –kapatid umano ng ‘landlady’ na unang nakausap nina Rose.
Lingid daw sa kaalaman ng totoong may-ari ang pangungupahan nina Rose kaya naman binigyan daw sila nito ng hanggang April 28 upang lisanin ang kanilang tinutuluyan.
Subalit sa kasamang palad, hindi nakatupad sa usapan sina Rose dahil biglang pumanaw ang kanilang tiyahin ilang araw bago ang nasabing petsa ng kanilang paglisan.
Ibinurol nina Rose ang labi ng kanyang tiyahin sa labas ng kanilang inuupahan.
Sa kabila ng pagdadalamhati ng pamilya ni Rose, tuluyan pa rin daw silang pinalayas ng landlady at pinagtatapon ang kanilang mga gamit sa labas ng paupahan.
Kasalukuyang iiniimbestigahan ng Bitag ang reklamong ito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.