Galit ang naramdaman ng isang ina nang malaman na hindi pala rehistrado ang paaralan na pinasukan ng kanyang dalawang anak.
Pumapasok sa isang Learning Center sa Quezon City ang kaniyang dalawang anak. Ang panganay ay nag-aral mula Grade 1 hanggang Grade 4, samantalang mula Kinder hanggang Grade 2 naman ang pangalawa niyang anak, kapwa nag-aral sa tinutukoy na paaralan.
Reklamo ng ng ina ng mga bata sa BITAG, ang Learning Center ay nasa pangangasiwa ng isang malaking eskwelahan sa Parañaque.
Nag-umpisa daw ang paghihinala ng kanilang pamilya nang mapansing walang school year ang ID ng dalawa niyang anak. Matapos i-verify sa Department of Education (DepEd), nalaman nilang hindi updated ang records ng mga bata.
Samantala, inamin daw ng eskwelahan na matagal na silang hindi nagre-renew ng permit to operate.
Bukod sa sunod-sunod na problema, napag-alaman din ng pamilya na ang binabayad nilang tuition fee kada school year ay napupunta lang sa donation.
Bukod sa sayang ang pera, ay higit na inaalala ng pamilya ang higit 3-taong pag-aaral na maaring nasayang lang din.
Abangan sa #ipaBITAGmo ang buong imbestigasyon sa kasong ito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.