Setyembre 2022, nagsumbong sa #ipaBITAGmo ang criminology graduate at dating barangay Secretary na si Evans Mistidio.
Binastos at binaboy daw siya sa isang group chat na kinabibilangan ng kanilang Barangay Executive Officer (Ex-O) at tanod ng barangay sa San Isidro, Cainta, Rizal.
Kwento ni Evans kay Mr. Ben Tulfo, nagsimula daw ang lahat nang pagmumurahin ng lasing na tanod na si Jose Yabao ang ina ni Evans dahil sa maingay nilang aso.
Ilang araw matapos mangyari ang insidente, nadiskubre ni Evans naging laman na pala siya ng usapan sa group chat.
Ang pribadong usapan ay ibinahagi daw sa kanya ng isang nagmalasakit na miyembro ng nasabing group chat.
Hindi matanggap ni Evans ang ginawang pambabastos sa kanya sa group chat.
Hindi din niya sukat akalain na ang naging pasimuno pa ng pambabastos ay mismong Ex-O ng kanilang barangay na si Jonald Villeza.
Dagdag pa ni Evans, naging malapit din daw sa kanilang pamilya ang nasabing Ex-O dahil matalik na kaibigan daw ito ng kanyang namayapang ama.
Natatakot din si Evans sa seguridad at kaligtasan nilang mag-ina.
“Sa mga chat po nila, natatakot po ako, dahil baka anytime rape-in nila ako”
Sa programang #ipaBITAGmo, nakausap ni Tulfo ang inirereklamong si Villeza.
Mariin itinanggi ng Ex-O ang kanyang naging partisipasyon sa nag-leak na group chat.
“Ano ang usapan niyo dito? Pinag-piyestahan niyo siya? Pagnanasa sa inyong pambabastos” wika ni Tulfo. “Wag mo ko hahamunin, dahil isasalang kita sa polygraph test, hindi ako nagbibiro.”
Kinabukasan personal na nagtungo sa tanggapan ng BITAG si Villeza upang magpaliwanag sa nangyari.
Dito inamin din niya ang kanyang naging partisipasyon sa group chat.
“Sa bagay na ito Sir, wala na po akong dapat idepensa sa sarili ko dyan. Bilang barangay officer po mali po ang nagawa ko,” pahayag ni Villeza.
“Ang laki talaga ng pagkakamali ko. Gusto ko pumunta dito para sa harap ni Mr. Ben na humingi talaga ako ng paumanhin. Sana mapatawad mo ako (Evans) sa mga nangyaring ito. Pinagsisihan ko talaga ito.”
Naging matigas naman ang sagot ni Evans at nais pa din ituloy ang kaso.
Panoorin ang isinagawang imbestigasyon at aksyon nang makaharap ng BITAG ang mga inirereklamong Ex-O at tanod sa link na ito.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.