Walong taon na ang nakakalipas ngayong buwan, naganap ang pinakahihintay na sagupaan sa pagitan ng undefeated five-division world champion Floyd Mayweather Jr. at pound-for-pound king Manny Pacquiao noong May 2, 2015.
Sa petsang ito, nag-uwi ng $180 million at nanatiling malinis ang professional record ni Mayweather matapos nitong talunin ang Pambansang Kamao via unanimous decision sa tinaguriang “Fight of the Century” sa MGM Grand Arena sa Paradise, Nevada.
Sa kabila ng pagkakaroon ng perfect record na 50-0, may isang boxer na nagbigay ng malaking problema kay Mayweather sa loob ng ring mahigit isang dekada na ang nakalilipas.
September 17, 2011, nakasagupa ni Mayweather ang noo’y defending WBC welterweight champion na si Victor Ortiz.
Mainit na nagsimula ang bakbakan ng dalawang boksingero sa unang tatlong round ng kanilang laban.
Subalit pagdating ng fourth round, inundayan ng headbutt ni Ortiz si Mayweather, dahilan para panandaliang ihinto ng referee ang laban.
Inako naman ni Ortiz ang kanyang pagkakamali at yumakap kay Mayweather upang humingi ng pasensya.
Sa isang tila unsporstman-like behavior, binigyan ni Mayweather si Ortiz ng kombinasyon na nagdulot ng pagbagsak ng Mexican-American boxer.
Legal na maituturing ang mga suntok ni Mayweather kahit na ito ay kaniyang pinakawalan matapos lamang na yumakap at humingi ng pasensiya ang unbeaten American boxer.
“You gotta protect yourself at all times. I got hit with a head-butt, I got hit with elbows. I didn’t cry and complain. I done what I had to do as a fighter,” depensa ni Mayweather sa kanyang naging aksyon.
“We touched gloves. Once we touched gloves, it’s fight time,” dagdag nito.
Para sa inyo, katanggap-tanggap ba ang ginawang aksyon ni Mayweather?Panoorin ang highlight ng laban.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.