Nakasanayan na ng mga Pilipino ang kumain ng sardinas. Mayaman man o mahirap tinatangkilik dahil masarap at mura.
Subalit paano kung sa pag-bukas mo ng delata ang bumulaga sa iyo, hindi kaaya-ayang dumi sa loob ng lata?
Taong 2006, lumapit sa tanggapan ng BITAG ang nagpakilalang si Edna upang ipakita ang dala niyang delatang sardinas.
Sa una’y aakalaing normal na delatang sardinas lang ang dala ni Edna. Ngunit tumambad sa BITAG ang nakakadiring ulo ng daga na kasama sa loob ng delata.
Pumunta ang Bitag sa Consumers Complaints Division (CCD) ng Department of Health (DOH) na humahawak sa mga kasong may kinalaman sa mga foreign objects o dumi na nakikita sa loob ng delata o bote.
Ayon kay Atty. Dennis Guevarra ng DOH CCD, kailangan munang mag-file ng complaint form ang nagrereklamo. Pagkatapos ay papatawagin ang kumpanya upang magkaroon ng conciliation at mediation ang magkabilang panig.
Kung sakaling hindi magkasundo ang nagrereklamo at ang kumpanyang inirereklamo ay ididretso na sa administrative proceedings kung saan ay magkakaroon ng formal investigation.
Sunod na pinuntahan ng BITAG ang University of the Philippines College of Public Health sa Department of Parasitology na sumusuri sa ganitong klaseng reklamo.
Ayon sa kanila, ang mikrobyo tulad sa kaso ng patay na daga sa lata ng sardinas ay namamatay na dahil daw sa mataas na temperatura ng pagluto nito. Wala ngang makukuhang sakit dahil luto na ang daga sa loob ng sardinas ngunit nagkakaroon naman ng Psychological trauma ang mga nakakain nito.
Sa huli ay nagbigay ng hakbang ang College of Public Health sa ganitong klaseng reklamo.
Una, ipa-blotter sa pinakamalapit na pulis station.
Pangalawa, dalhin ng pulis sa city health office. Pangatlo ay ipapasa ng city health office sa BFAD (Bureau of Food and Drugs) at panghuli irerekomenda ng BFAD sa ahensyang pwedeng sumuri.
Nagpaalala naman ang BITAG na hindi nila layunin na siraan ang mga kumpanyang gumagawa ng mga delata at debotelyang pagkain. Bagkus ay kailangan lamang malaman ng mga publiko ang katotohanan sa likod ng mga pabaya at iresponsableng kompanya.
Ang buong istorya, panoorin!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.