Hinihikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang publiko na magsumbong at mag-report kung may importanteng impormasyon sila tungkol sa iligal na droga.
Ito ang isa sa naging panawagan ni Abalos sa press conference nito noong Lunes (May 8) ukol sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP)
Maganda man pakinggan ng hangarin, ang tanong, saan at paano magsusumbong ang publiko?.
Hindi malinaw kung saang ‘platform’ magsusumbong ang publiko at kung paano magiging ligtas at epektibo ang ganitong estilo.
Sa mga nakaraang administrasyon, matalinong ginamit ng gobyerno ang publiko sa pamamagitan ng paglulunsad ng ‘community-based support’ at mga ‘telephone hotlines’.
Sa ngayon tila mananatiling isang naratibo at plano ang programang ng kasalukuyang administratibo kung hindi maglulunsad ang gobyerno ng sapat, maayos at detalyadong ‘guidelines’ sa pagpuksa sa ilegal na droga.
Samantala, nanawagan din si Abalos sa pribadong sektor na makipagtulungan sa gobyerno upang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Abalos, ilulunsad ng DILG ang programang “BIDA Workplace” kung saan hinihikayat nila na magsagawa ng ‘random drug testing’ ang mga kumpanya sa kanilang mga empleyado. “Isipin lang ninyo kung lahat ng kompanya, merong polisiya against drugs. Lahat ng kumpanya ay mayroong random drug testing,” ayon sa kalihim.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.