Kalbaryo ang dulot sa mga residente ng mga tambay at pasaway sa Caloocan na ginawang basketball court ang kanilang kalye.
Halos anim na buwan na raw silang hindi makatulog. Ang kalsadang ginawang court, nasa may bahagi ng North Caloocan.
Sumbong ng mga residente, magdamag kung maglaro ng basketball ang mga tambay doon. Nakakaperwisyo ang ingay ng talbog ng bola at malakas na hiyawan. Bukod dito, ang pader ng court, ginawa na rin daw nilang banyo kaya umaalingasaw ang masangsang at mapanghing amoy. Sumatutal, perwisyo sa mga motorista.
Ang pasimuno daw ng nasabing basketball court ay ang pasaway nilang kapitbahay. Dalawang beses na daw nilang inireklamo at ipinatanggal ang nasabing court pero muli rin daw itong ibinabalik.
Ayon sa mga residente, inilapit na nila ang problemang ito sa City Administration Office ng Caloocan subalit, ipinasa lang daw sila sa City Engineering Office na hanggang ngayon wala pa rin daw aksyon.
Kaya ang mga residente, hindi na nakapagtimpi. Lumapit na sa BITAG Action Center!
Abangan ang aksyon ni Ben Tulfo sa reklamong ito sa #ipaBITAGmo. Mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa IBC 13 at CLTV 36, 10:30-12 ng tanghali.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.