Inakusahan ng paglabag na hindi naman nila ginawa –Ito ang reklamo na inilapit ng isang grupo ng mangangalakal sa Bitag matapos silang patawan ng kasong illegal dumping ng Meycauayan City Environment and Natural Resources Office (CENRO) noong April 17.
Kwento ng tagapagsalita ng grupo na si Irene Gonzales, tiniketan sila ng CENRO dahil umano sa pagtatapon nila ng mga basura sa isang abandonadong dumpsite sa Barangay Caingin, Meycauayan, Bulacan.
Ayon kay Irene, nawalan sila ng hanapbuhay dahil ipinasara ng mga awtoridad ang nasabing dumpsite na nagsisilbi rin na kanilang tirahan.
“Napakaimportante po nito sa amin, higit po sa sampung pamilya ang maapektuhan kapag napasara po yung junk shop mawawalan po kami ng hanapbuhay at tirahan,” wika nito.
Mariing namang itinanggi ni Irene ang akusasyon sa kanila at itinuro ang kanyang kabarangay na sina Norielyn Sy at Jonjon Canigin bilang ang umano’y totoong may sala sa ilegal na pagtatapon ng basura.
“Siya [Norielyn] po yung nagtatapon ng truck truck na basura, si Jonjon naman po yung caretaker ng dumpsite,” ani Irene.
Samantala, hindi naman nakaligtas ang CENRO-Meycauayan sa pag iimbestiga ni Ben Tulfo kung saan kwinestyon nito ang naging basehan ng kanilang pagpataw ng paglabag sa mga nagrereklamo.
Sa pagsisiyasat ni Tulfo, napag alaman nito na walang ebidensyang pinanghahawakan ang mga awtoridad laban sa grupo ni Irene, at hindi nahuli ang mga ito sa akto.
“The burden of proof is with the accuser, and the defendants will only have to defend themselves. At this point sir, gusto ko ipakita niyo yung sinasabing ebidensya –the burden of proof ay nasasainyo,” wika ni Tulfo sa hepe ng Meycauayan CENRO na si Ricardo Sta. Ana.
Nagbigay naman ng paalala ang resident lawyer ng BITAG na si Atty. Batas Mauricio hingil sa kasong ito partikular sa nangyaring ‘paghuli’ ng mga awtoridad sa mga mangangalakal.
“Kung natiketan ibig sabihin nahuli; caught in the act of committing a criminal offense, kasi otherwise kung hindi po nahuli in the act, aba’y teka muna wala pong batayang legal yung pagtitiket at wala pong magiging sapat na katayuan o usapin kung ano yung isasampa laban sa kanila,” wika ni Atty. Batas.
Panoorin ang naging panig ng Meycauayan LGU hingil sa reklamong ito:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.