Sa halip na gumanda, disgrasya ang inabot ng isang dalaga sa kamay ng pekeng derma clinic.
Taong 2009 nang lumapit sa BITAG si “Tess”. Sa kagustuhan madagdagan ang kanyang kagandahan, nagtiwala siya sa isang bogus na espesyalista.
Sinaksakan umano ng gamot ang bahagi ng kanyang pingi, subalit sa halip na maging “blooming” nangitim at nagmistulang bukol ito.
Kwento ni Tess kay Ben Tulfo, nang bumalik daw siya sa nasabing clinic, sinisingil daw siya ng P50,000 para maibalik ang kanyang dating itsura.
Ipinasuri ng BITAG sa lehitimo at lisensyadong dermatologist si Tess. Nadiskubre na posibleng tire black o pampakintab ng gulong ang itinurok kay Tess.
Delikado aniya ito dahil bukod sa hindi ginagamit sa tao posible din daw na maging sanhi ito ng sakit tulad ng cancer.
Upang mapatunayan ang sumbong, nagsagawa ng undercover operation ang BITAG sa inirereklamong espesyalista kuno. Walang din nakita na nakapaskil na permit at certification sa loob ng nasabing clinic.
Nakipagugnayan ang BITAG sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Karingal upang isagawa ang entrapment operation.
Hulog sa bitag ang mga nagpapatakbo ng pekeng derma clinic.
“Sa reklamong ito, may mapupulot na aral, sabi nga, kung ano yung binigay sa iyo ng Diyos, kung ikaw ay maganda at gusto mo pa magpaganda, mas maganda siguro makuntento ka na. Kinakailangan dito lumapit sa dalubhasa o professional dermatologist, cosmetic surgeon, yung lehitimo at hindi yung fly by night,” babala ni Ben Tulfo sa mga taong gustong magpaganda.
Panoorin ang buong detalye sa link na ito:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.