Lumapit sa #ipaBITAGmo ang tatlong empleyado matapos sila umanong sibakin sa kanilang pinagtatrabahuang kumpanya na YanYan International Phils. INC. sa Caloocan City.
Ayon kina Allan Linugeo, Joeny Aberina at driver at pahinante sa nasabing kumpanya na si Kim Buctot na, tinanggal daw sila sa kadahilanang late na sila naka-balik sa kanilang opisina noong April 11.
Inalmahan naman ni Allan at sinabi ang dahilan kung bakit sila nale-late ay dahil sa traffic at sa tagal ma-receive ng mga customer.
April 12, sinabihan sila ng kanilang bisor na huwwag muna sila bumyahe at mag report muna sa main office.
Nakausap naman ng #ipaBITAGmo ang HR Manager ng YanYan International Phils. Inc. Mercy Moldogo para matanong kung ano ba ang dahilan at nasibak sa kanilang trabaho ang tatlo.
Sinabi naman ni Moldogo na hindi sila basta basta nagtatanggal ng empleyado katulad sa kaso nila Linugeo, Abernina, at Buctot bagkus ay dinadaan muna sa imbestigasyon at proseso.
Idinagdag pa ng HR na pinapag-report sila sa pangalawang beses sa main office para marinig ang panig ng tatlo ngunit hindi sila pumunta dahil sa walang pamasahe.
Nakausap din #ipaBITAGmo ang supervisor ng tatlo na si Cyril upang ipaliwanag tungkol sa L-300 na pinapahiram sa tatlo para gamitin upang makapag – report sa main office.
Sinabi nito na pinapahiram na kina Allan Linugeo ang L-300 subalit ayon sa salaysay ni Cyril ay parang galit pang sinabi ni Allan na “eh bakit ako pupunta dun!?”.
Sa huli ay sinabi ni Mercy Moldogo na mag report sila sa pangatlong beses upang mapakinggan ang kanilang panig.
Sumang-ayon din ang host ng #ipaBITAGmo Mr. Ben Tulfo na mag report ang tatlo para magkaroon ng kaliwanagan.
Ang buong istorya! Abangan sa #ipaBITAGmo.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.